Magsasaka tinodas sa bukid
@Balitang Probinsiya | December 21, 2022
MASBATE—Patay ang isang magsasaka nang barilin ng lalaki kamakalawa habang nasa bukid sa Bgy. Bayombon, Masbate City.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilala na si Ronaldo Almosara, 47-anyos at residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nagpapastol ng alaga niyang kalabaw si Almosara ay biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Almosara.



Comments