Magsasaka tinodas ng utol
@Balitang Probinsiya | October 2, 2022
QUEZON—Patay ang isang magsasaka nang barilin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Don Juan Vercelos, San Francisco.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Michael Yare, 39-anyos, samantalang ang suspek ay ang kapatid nitong si Melencio, 37-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Michael, kasama ang isa niyang anak nang sumulpot si Melencio at binaril ang biktima na tinamaan sa tiyak at balakang.
Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek at inaalam ang motibo nito sa pamamaslang sa kanyang kapatid.



Comments