Magsasaka tinodas ng mga armado
@Balitang Probinsiya | Enero 19, 2023
MAGUINDANAO DEL SUR—Patay ang isang magsasaka nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Kuya, South Upi.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Ariel Mandi, 38-anyos, at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad umano si Mandi nang sumulpot ang mga salarin at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Naglunsad na ang pulisya ng manhunt operations para madakip ang mga suspek.



Comments