top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magsasaka tinodas ng 2 armado

BULGAR
Aug 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 22, 2022


NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Bagong Silang, Talavera.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Edwin Sarte, 49-anyos at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nakatayo si Sarte sa harap ng kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang salarin na lulan ng isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page