Search
  • BULGAR

Magsasaka, tinodas ng 2 armado

@Balitang Probinsiya | March 2, 2021



ISABELA—Isang magsasaka ang pinagbabaril at napatay ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Minanga, San Mariano.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Edwin Dancel, residente ng Bgy. Sevillana, Benito Soliven sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, pauwi na umano si Dancel sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.