top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Magsasaka, tinepok ng utol

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 5, 2021



QUEZON—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Lagalag, Tiaong.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Benerando Capina, 52-anyos, samantalang ang suspek ay ang kapatid nitong si Roderick, 50-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para barilin ng suspek sa ulo ang biktima.


Matapos mapatay ang kanyang kapatid ay agad tumakas ang suspek.


Pinaghahanap na ng pulisya si Roderick na nahaharap sa kasong parricide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page