Magsasaka timbog sa mga baril at granada
- BULGAR
- Dec 1, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 1, 2022
LAGUNA—Isang magsasaka ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng mga baril at granada kamakalawa sa bayan ng Calauan.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan at inaalam ang pagkatao nito.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng pulisya ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte dahil sa impormasyong may mga armas ito sa kanyang tahanan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng armalite rifle, .45 pistola, .22 revolver, granada at mga bala.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions ang explosives.


Comments