top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magsasaka tepok sa SUV

BULGAR
Jul 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 18, 2022


ILOCOS SUR—Isang magsasaka ang namatay nang aksidenteng mabangga ng SUV (sports utility vehicle) kamakalawa sa national highway ng bayan ng Magsingal sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Iluminado Ulango Sr., 53-anyos, nakatira sa Bgy. Bangar sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ni Edward Balisacan, nasa hustong gulang kaya nabangga ang biktima na naglalakad sa gilid ng kalsada.


Nabatid na dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nahaharap si Balicasan sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page