Magsasaka tepok sa hit-and-run
@Balitang Probinsiya | October 13, 2022
ISABELA—Isang magsasaka ang namatay nang ma-hit-and-run ng kotse kamakalawa sa Bgy. Pangal Norte, Echague.
Kinilala ang mga biktima na si Jerry Tomas, 50-anyos, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng kotse na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver kaya aksidenteng nabangga nito ang biktimang nasa gilid ng kalsada.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang driver ng kotse na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at obstruction of justice.



Comments