top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magsasaka, sugatan sa pananaga

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 21, 2022

CAPIZ–Sugatan ang isang magsasaka nang tagain ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Traciano, Dumarao.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Rowel Layes, 38-anyos, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, natutulog umano si Layes sa labas ng kanilang bahay nang pagtatagain ng hindi kilalang suspek.


Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek, samantalang dinala ng mga residente ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page