Magsasaka sapol sa ligaw na bala
@Balitang Probinsiya | August 27, 2022
BATANGAS—Isang magsasaka ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala mula sa pinaputok na baril ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Wawa, Tanauan City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan na si Domingueto Barberan, 51-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa bukirin si Barberan ay nakarinig ito ng sunud-sunod na putok ng baril hanggang maramdaman ng biktima na tinamaan siya ng bala.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa ospital.
Patuloy pang nag-iimbestiga ang mga tauhan ng pulisya para makilala at madakip ang suspek na nagpaputok ng baril.



Comments