top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magsasaka, pinatay ng kapwa magsasaka

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 28, 2022


CAPIZ–Patay ang magsasaka nang pagbabarilin ng kapwa niya magsasaka kamakalawa sa Bgy. Artuz, Tapaz.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Rico Gardose, 34-anyos, samantalang ang suspek ay si Diether Anatacio, 25-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Gardose ay kumatok si Anatacio at nang pagbuksan ng pinto ay agad pinagbabaril ng suspek ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page