Magsasaka, pinatay ng kapitbahay
@Balitang Probinsiya | July 13, 2022
AKLAN—Isang magsasaka ang namatay nang saksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Frederick Calizo, 50-anyos, samantalang ang suspek ay si Leonito Legazpi, nasa hustong gulang, kapwa nasa hustong edad at parehong nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo sina Calizo at Legazpi na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Kaagad nadakip ng mga nagrespondeng pulisya ang suspek, samantalang dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead on arrival.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell at nahaharap siya sa kasong murder.



Comments