top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magsasaka, pinagbabaril

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 22, 2023


ALBAY—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng hindi kilalang lalaki, kamakalawa sa Bgy. Tagoytoy, Malinao sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Arnel Floriano, 47, nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa bahay si Floriano ay may tumawag sa kanya mula sa labas, at paglabas ng biktima ay agad itong pinagbabaril ng salarin.


Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Floriano.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page