Magsasaka, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | June 23, 2022
QUEZON–Isang magsasaka ang natagpuang patay kamakalawa sa matalahib na lugar sa Bgy. Pagkakaisa, Perez.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ira Saberdo, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente sa nasabing barangay ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang lugar.
Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na wala namang palatandaan na pinatay ang biktima.
Dahil dito, ayon sa mga awtoridad ay posible umanong atake sa puso ang ikinamatay ni Saberdo.



Comments