Magsasaka, kritikal sa bus
@Balitang Probinsiya | July 21, 2022
ISABELA—Nasa kritikal na kalagayan ang 55-anyos na magsasaka nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus kamakalawa sa Bgy. Caquilingan, Cordon.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ricky Tagarino, nakatira sa Bgy. Turod Sur sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang tumatawid sa kalsada si Tagarino ay aksidente itong nabangga ng pampasaherong bus na minamaneho ni Reynaldo Sacle, nasa hustong gulang at tubong Quezon City.
Nabatid na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan si Tagarino at kasalukuyan pa siyang inoobserbahan sa pagamutan.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injury.



Comments