Magsasaka kinatay sa bukid
@Balitang Probinsiya | Enero 9, 2023
MASBATE—Patay ang isang magsasaka nang pagsasaksakin ng apat na hindi kilalang lalaki kamakalawa sa bukid ng Bgy. Mabini, San Pascual.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga saksak sa katawan na si Ruel Pepiga, 46-anyos at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa abala si Pepiga, kasama ang kanyang misis sa paggawa ng kopra sa bukid ay dumating ang mga suspek at pagkaraan ay iginapos ang biktima at saka pinagsasaksak.
Matapos tiyaking patay na si Pepiga ay mabilis na tumakas ang mga salarin at hindi naman sinaktan ng mga suspek ang misis ng biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation para madakip ang mga salarin.



Comments