top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magsasaka kinatay ng kaalitan

BULGAR
Sep 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 16, 2022


PALAWAN—Isang 42-anyos na magsasaka ang namatay nang pagtatagain ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Poblacion 6, Balabac.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Umbing Ami, samantalang ang suspek ay si Timson Vicente, 20-anyos, at kapwa residente sa nasabing barangay.


Nabatid na sinabi ni Vicente sa kanyang kapatid na pinatay niya sa taga si Ami at pagkaraan ay tumakas na ang suspek.


Napag-alamang agad pinuntahan ng mga residente ang lugar kung saan sinabi ni Vicente na pinatay niya si Ami, at dito natagpuan ang duguang bangkay ng biktima.


Sa imbestigasyon ng pulisya ay napag-alamang dating alitan ang sanhi ng pagpatay ni Vicente sa biktima, at sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page