Magsasaka dinedbol sa bahay
- BULGAR

- Aug 23, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 23, 2020
LAGUNA—Patay ang isang magsasaka nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Maunong, Calamba City.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Felomino Motel, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang bahay si Motel ay biglang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis tumakas ang mga salarin.
Samantala, iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments