Magsasaka, dedbol sa kuryente
@Balitang Probinsiya | February 13, 2022
CAPIZ–Isang magsasaka ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Malomoy, Dumarao.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eduardo Facto, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang naglalakad ang biktima ay nasagi nito ang nakalaylay na kawad ng kuryente.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.
Dinala ng kanyang mga saksi si Facto sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments