Magsasaka, arestado sa boga
@Balitang Probinsiya | February 28, 2022
CAMARINES NORTE–Isang magsasaka ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. San Felipe, Basud.
Hindi muna pinangalanan ng pulis ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ng magsasaka sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang .22 rifle at mga bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments