top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Magpinsang tulak, tiklo sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2020
1 min read

Updated: Nov 20, 2020

@Balitang Probinsiya | November 19, 2020



PAMPANGA—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sta. Rita, Minalin.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jaime Torno, tubong Caloocan City at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong murder sa Caloocan City.


Nabatid na nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Torno sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto ng mga awtoridad.


Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya nga pulisya sa naturang lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page