Magnanakaw ng manok, timbog
- BULGAR

- Sep 20, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 20, 2020
QUEZON—Isa sa dalawang magnanakaw ng mga panabong na manok ang nadakip kamakalawa ng pulisya sa Bgy. Aquino, Tiaong.
Nakilala ang nadakip na suspek na si Jay-ar Dominguez, samantalang pinaghahanap pa ang kasamahan nitong si Joel Llaga, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, pinasok ng mga suspek ang farm na pag-aari ni Cesar Tolentino at ninakaw ang 30 panabong na manok.
Kaagad ini-report ni Tolentino sa pulisya ang insidente at sa follow-up operation ay nadakip si Dominguez pero nakatakas si Llaga.
Nakapiit na si Dominguez na nahaharap sa kasong qualified theft.



Comments