- BULGAR
Magkasintahan sugatan sa aksidente
@Balitang Probinsiya | July 20, 2022
AKLAN—Sugatan ang magkasintahang magkaangkas sa motorsiklo nang aksidente nilang mabangga ang aso at bumaligtad ang kanilang sasakyan kamakalawa sa Bgy. Estancia, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Richmark Manlapaz, 20-anyos at Nicole Macabales, 18-anyos, kapwa nakatira sa Bgy. Tigayon sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, bigla umanong tumawid sa kalsada ang aso, kaya nabangga ito ng motorsiklong minamaneho ni Manlapaz.
Dahil dito, bumaligtad ang motorsiklong kinalululanan ng magkasintahan.
Napag-alamang nagtamo ng malalaking sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at kasalukuyan pa silang ginagamot sa ospital.