Magkasintahan, dedbol sa semplang

@Balitang Probinsiya | February 22, 2021
ILOCOS SUR—Patay ang magkasintahan nang aksidenteng sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Vira, Laoag City.
Nakilala ang magkasintahang biktima na sina Paul Vincent Luz, 24-anyos at Julianne Ranjo, 19-anyos, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Luz habang kaangkas si Ranjo kaya aksidenteng sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang dalawang biktima sa naganap na aksidente.
Kaagad dinala ng mga saksi ang magkasintahan sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.



Comments