Magkapatid, sugatan sa van
- BULGAR
- Jun 30, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 30, 2022
AKLAN—Sugatan ang magkapatid nang aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan nilang tricycle kamakalawa sa Bgy. Bulwang, Numancia.
Ang magkapatid na biktima ay kinilala ng pulisya na sina Vincent, 32-anyos at Sharmaine Gonzales, 25-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Nonito Andrade, 60-anyos, kaya nabangga nito ang tricycle na kinalululanan ng magkapatid.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang magkapatid na biktima at kasalukuyan na silang ginagamot sa ospital.
Samantala, nahaharap si Andrade sa kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property.



Comments