top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magkapatid niratrat, 1 patay

  • BULGAR
  • Jan 7, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 7, 2023


SOUTH COTABATO—Patay ang isa sa dalawang magkapatid nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Palian, Tupi.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Eman, 21-anyos, samantalang ang sugatan ay ang kapatid nitong si Jayvee Kalamongi, 24-anyos, kapwa residente sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, magkasamang nakatayo ang magkapatid nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima na kapwa tinamaan ng mga bala sa katawan.


Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.


Dinala ng mga saksi ang magkapatid na biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Eman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page