top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magkapatid at pinsan, tiklo sa rape

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 13, 2022


PANGASINAN–Inaresto ng pulisya ang magkapatid at pinsan nila na pawang sangkot sa panggagahasa kamakalawa sa bayan ng Alaminos.


Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Jhumeldy at Jhumardy Trigo, at pinsan nilang si John Carlo Ingalan, pawang nasa hustong gulang at mga pansamantalang nakatira sa nasabing bayan.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kasong panggagahasa nila sa menor-de-edad na babae sa Zambales.


Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng mga suspek kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang mga magkakamag-anak na rapist.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page