top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magkaangkas sa motorsiklo tepok sa van

  • BULGAR
  • Nov 8, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 8, 2022


QUEZON—Namatay ang magkaangkas sa motorsiklo nang aksidenteng mabangga sila ng van kamakalawa sa Maharlika Highway, Pagbilao.


Ang rider na nasawi ay si Glenn Andangan, samantalang ang angkas nito na namatay din sa aksidente ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng van si Ryan Tinana, nasa hustong gulang, kaya nabangga ang motorsiklo na kinalululanan ng mga biktima.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na agad nilang ikinamatay.


Napag-alamang sinampahan na ng mga awtoridad si Tinana ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page