Magkaangkas sa motorsiklo, sugatan sa kotse
@Balitang Probinsiya | February 10, 2022
AKLAN–Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng kotse ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy.
Estancia, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jayson Armenio at Jonald Flaviano, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotseng minamaneho ni Cris Sayson, 22-anyos kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan, samantalang sinampahan na ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property si Sayson.



Comments