top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magkaangkas sa motorsiklo, naaksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 13, 2022


AKLAN–Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang kapwa nasa kritikal na kondisyon nang aksidenteng bumangga sa poste ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Katipunan, Buruanga.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina James Fuentes at Phil Russel Prado, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Fuentes sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas si Prado kaya bumangga sila sa poste ng kuryente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page