Magkaangkas sa motorsiklo, dedo sa ambush
@Balitang Probinsiya | September 13, 2022
SORSOGON—Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang namatay sa pang-a-ambush na ginawa ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Tigbao, Casiguran.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina John Paul Derla, 25-anyos at Regan Docot, 27-anyos, kapwa nakatira sa Bgy. San Juan sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang lulan ng motorsiklo sina Derla at Docot ay sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.



Comments