Magbiyenan nagbarilan, 1 patay, 1 sugatan
@Balitang Probinsiya | July 6, 2022
AKLAN—Isang biyenan ang napatay at sugatan naman ang manugang nito nang magbarilan ang dalawa kamakalawa sa Bgy. Monlaque, Ibajay.
Kinilala ang nasawi na si Orlando Pines, 70-anyos, samantalang ang sugatan ay ang manugang nito na si Jury Batoy, 35-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magbiyenan na humantong para magbarilan ang dalawa,
Nabatid na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Pines na agad nitong ikinamatay, samantalang ginagamot pa sa ospital si Batoy na tinamaan ng bala sa mukha.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente.



Comments