Magbayaw, timbog sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | October 30, 2020
QUEZON—Nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation ang magbayaw na drug pusher kamakalawa sa Bgy. 4, Lucena City.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Rommel Lancion at May Morales, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ng magbayaw ay agad dinakip ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 14 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang magbayaw na drug pusher na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments