Mag-utol na pusher, tiklo sa drug-bust
- BULGAR
- Jul 17, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 17, 2023
ILOILO -- Inaresto ng mga awtoridad ang magkapatid na drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Fatima, Jaro District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang magkapatid na suspek na sina Andrew, 45 at Armando Solas, 44, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakapiit na ang magkapatid na suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 12 pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.



Comments