top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mag-inang tulak, tiklo sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 27, 2022


CAVITE–Inaresto ng mga awtoridad ang mag-inang drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Maderan, General Mariano Alvarez.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mag-inang suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon upang madakip ang mga drug dealer na nagsu-supply sa kanila ng droga.


Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.


Nakapiit na ang mag-inang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous DrugS Act of 2002.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-inang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page