Mag-asawang tulak, huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | February 22, 2022
CAPIZ–Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang drug pusher kamakalawa sa Bgy. Sto, Niño President Roxas.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mag-asawang suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon upang madakip ang mga drug dealer na nagsusu-supply sa kanila ng ilegal na droga.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation.
Nakapiit na ang mag-asawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-asawang suspek.



Comments