Mag-asawang notoryus na tulak, tiklo
@Balitang Probinsiya | August 13, 2023
ILOILO -- Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang notoryus na drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Bgy. Pantalan, Anilao sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Jose at Mae Lacupa, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Napag-alaman na may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng hinihinalang shabu ang mag-asawa kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga operatiba ng ilang gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mag-asawang pusher na kapwa nahahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments