Mag-asawang komunista sumurender
@Balitang Probinsiya | October 10, 2022
SOUTH COTABATO—Sumuko sa pamahalaan ang mag-asawang miyembro ng New People's Army (NPA) kamakalawa sa Brgy. Ned, Lake Cebu.
Ang mag-asawang sumukong NPA ay kinilala lang ng mga awtoridad sa mga alyas na Ka Loloy at Ka Lalay, kapwa kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng mag-asawang NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa mga sumukong NPA, nakararanas na umano sila ng gutom sa bundok at nais na rin nilang magbagong-buhay kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mag-asawang komunista.



Comments