Mag-asawang kawatan, arestado
@Balitang Probinsiya | February 21, 2021
NUEVA ECIJA—Dinakip ng pulisya ang mag-asawang caretaker dahil sa kasong pagnanakaw kamakalawa sa subdivision sa Cabanatuan City.
Ang mag-asawang suspek ay sina Ronald at Melanie Atayde, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na ang mag-asawang Atayde ay nagtatrabaho bilang caretaker sa bahay ng negosyanteng si Maribeth Omori, at nang matuklasan ng biktima na ninakaw ng mga suspek ang kanyang cash, alahas at iba pang kagamitan ay agad siyang humingi ng tulong sa pulisya.
Kaagad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad dahilan kaya nadakip ang mag-asawang suspek.
Nakapiit na sa detention cell ng pulisya ang mag-asawang Atayde na kapwa nahaharap sa kasong qualified theft.



Comments