top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mag-asawa todas sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 22, 2023


CAPIZ— Namatay ang mag-asawa at sugatan ang kanilang anak nang aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bolo, Roxas City sa lalawigang ito.


Ang mag-asawang nasawi ay nakilalang sina Arante at Erlyn Tumanda, kapwa nasa hustong gulang, at ang anak naman nilang sugatan ay si Aryan, 22-anyos, pawang nakatira sa Bgy. Rizal, Pontevedra sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Caballero dela Cruz, nasa hustong gulang, sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.


Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at dinala sa pagamutan, ngunit idineklarang dead-on-arrival ang mag-asawang Arante at Erlyn.


Nahaharap si Dela Cruz sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide, physical injury and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page