top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mag-asawa tiklo sa 6 na boga at mga bala

BULGAR
May 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 6, 2022


QUEZON – Inaresto ng mga tauhan ng pulisya ang mag-asawang nag-iingat ng anim na baril at mga bala kamakalawa sa Bgy. Madulao, Catanauan sa lalawigang ito.


Ang mag-asawang suspek ay kinilala ng pulisya na sina Miel at Jacqueline Tan, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ng mga suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang anim na iba't ibang uri ng baril at mga bala.


Kusang sumama naman sa pulisya at hindi na nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong 6-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page