top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mag-asawa sugatan sa tandem

BULGAR
Jun 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 1, 2022


MAGUINDANAO — Sugatan ang mag-asawa matapos barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Gang, Sultan Kudarat sa lalawigang ito.


Ang mag-asawang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Paul, 43-anyos at Jenalyn Bacolor, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawang biktima nang pagbabarilin sila ng dalawang suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo.


Nabatid na matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Ginagamot na ngayon sa ospital ang mag-asawang Bacolor at iniimbestigahan na rin ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page