Mag-asawa sugatan sa aksidente
@Balitang Probinsiya | July 18, 2022
AKLAN—Sugatan ang mag-asawang lulan ng tricycle sa naganap na aksidente kamakalawa sa Bgy. Bulwang, Numancia.
Kinilala ng pulisya ang mag-asawang biktima na sina Ermito, 69-anyos at Loveline Tabigue, 62-anyos, kapwa residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Ermito ang kanyang tricycle at nakasakay ang kanyang misis nang mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho kaya aksidente silang bumangga sa kasalubong na SUV (sports utility vehicle) na minamaneho ni Rainier Sualog, 48-anyos, nakatira sa Kalibo sa naturang lalawigan.
Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan, samantalang kusang sumuko sa pulisya si Sualog.



Comments