Mag-asawa, dedbol sa bangin
- BULGAR

- Mar 9, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 9, 2021
KALINGA—Namatay ang mag-asawa at sugatan ang dalawa pang katao nang aksidenteng mahulog ang sinasakyan nilang van kamakalawa sa bangin na sakop ng Bgy. Balinsiago Sur, Pasil.
Nakilala ang mag-asawang nasawi na sina Daniel at Marilou Minong, samantalang ang mga sugatan ay ang driver ng van na si Edgar Baddonong at nagngangalang “Jeffrey.”
Ayon sa ulat, lulan ng van ang mga biktima nang aksidenteng mahulog ito sa may lalim na 180 bangin sa nasabing lugar.
Napag-alamang nagtamo ng mga malalaking sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala sa pagamutan ang apat na biktima, pero idineklarang dead-on-arrival ang mag-asawang Minong.



Comments