top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mag-asawa at 2 anak naaksidente

BULGAR
Nov 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 27, 2022


AKLAN—Sugatan ang mag-asawa at dalawa nilang anak ng aksidenteng sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Estancia.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver, habang kaangkas ang kanyang misis at dalawang menor-de-edad na anak nang biglang may tumawid na aso kaya sumemplang sa kalsada ang sinasakyan nilang motorsiklo.


Napag-alamang nagtamo ang mga biktima ng mga sugat sa ulo, kamay at katawan.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang ginagamot sa pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page