Mag-amang tulak, tiklo sa buy-bust
- BULGAR

- Jul 4, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 4, 2020
ISABELA—Nadakip ng pulisya sa isinagawa nilang buy-bust operation ang mag-amang drug pusher kamakalawa sa Bgy. Calamigue 2nd, Ilagan City.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Ramilo at Jethro Ballesteros, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa naturang lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ng mag-ama ay agad silang dinakip ng mga awtoridad.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 10 sachets ng shabu, isang pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mag-amang pusher na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments