top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mag-amang NPA, timbog

BULGAR
Aug 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 17, 2022


MASBATE—Nadakip ng mga awtoridad ang mag-amang miyembro ng New People's Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Jamorawon, Milagros.


Ang mag-amang suspek ay nakilalang sina Manolito, 56-anyos at Argie Apalit, 33-anyos, kapwa miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.


Nabatid na inaresto ng mga awtoridad ang mag-amang NPA dahil sa kinasasangkutan nilang mga kasong multiple murder at frustrated murder.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga operatiba ng .45 pistola, dalawang bomba at mga bala sa pag-iingat ng mag-amang NPA.


Hindi naman nanlaban ang mag-amang NPA nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page