top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mag-amang komunista, sumurender

BULGAR
Jul 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 2, 2022


NORTH COTABATO—Dahil sa nararanasang hirap sa bundok, nagpasya ang mag-amang miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Arakan.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mag-amang komunista na sumuko, na kapwa kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Napag-alamang isinuko rin ng mag-amang NPA ang mga dala nilang armas,bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Ayon sa mag-amang sumukong NPA, nakararanas na umano sila ng hirap na mamuhay sa bundok at nais na rin nilang magbagong-buhay kaya sumuko sila sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page