Mag-amang HVT sa droga, nasakote
- BULGAR
- Sep 6, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 6, 2023
ILOILO — Inaresto ng mga awtoridad ang mag-amang HVT (high-value target) sa droga at isa pa nilang kasamahang drug pusher sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Jereos, La Paz sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Warren Guillergan, 48; Nicole Guillergan, 24, at Vincent Prieto, 29, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu ang mag-ama at si Prieto kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 155 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.



Comments